Pages

Monday, June 28, 2010

Kahit Wala Nang Dahilan

Ang aking talino at lakas ng katawan,
Ang salapi at magarang ari-arian.
Mga taong mapagkakatiwalaan,
Paano kung sa isang iglap ay lumisan.


Lakas ng loob at kapayapaan,
Pagmamahal na walang paglagyan.
Nag-uumapaw na kasapatan,
Ay di na makakamtan.

Natuto akong tumanggap ng kabutihan,
Kaya’t buong puso ring tatanggap ng kahirapan.
Wala akong dala-dala nang ako ay isilang,
Kaya’t wala rin akong maipagyayabang sa Kanyang harapan.

Hanggang wala ng dahilang purihin ka,
Hanggang natitira na lang sa’kin ay hininga.
Hanggang wala nang dahilang magpatuloy pa,
Hanggang sarili ay tila sumuko na.

At kahit sabihin pa ng lahat,
Na itigil ko na ang pagsusumikap.
Na purihin ka sa kabila ng paghihirap,
Magpapatuloy ako, kahit wala nang dahilan.


No comments:

Post a Comment

Stay Connected With Free Updates

Subscribe via Email